Ang kasaysayan ng Barangay Dianao kung paano nagkaroon ng pangalan na Barangay Dianao.
Noong unang panahon may tatlong matatanda na nag uusap sa tab ng ilog at mayroon naman kalalakihanna kasalukuyan na naliligo sa ilog marawi rawi creek.
Kasalukuyan nag uusap ang tatlong matatanda habang naliligo ang mga kalalakihan sa nasabing ilog. At nagtanong ang isang matanda, kung bakit hanggang ngayon wala pang pangalan ang barangay ila mula taong 1927. At nag isip sila sa tanong ng isang matanda. Nang may narinig silang mga padyak ng mga paang dumarating papalapit sa kanila. Tatlong malalaking kalalakihan ang dumating na mga mukang Amerikano dahil matatangos ang ilong at mga English Speaking lahat.
Naisip ng isang matanda na tanungin ang mga dayuhan kung ano ang magandang ipangalan sa kanilang barangay.
Lumapit ang isang Amerikano sa kanila at nagtanong ng, “What’s the name of your Barangay? Do you belong to this barangay? At sumagot ang matanda, “Opo sir, yon po ang problema naming at kasalukuyang inag uusapan kung anong magandang ipangalan sa aming barangay. Lumapit ang dalawang Amerikano at tinanong ng matanda kung ano pangalan. Narinig ng matanda ang saliag “DIAN”. Pagkatapos ay sinabi nilang “Araw po namin ngayon.” Nagtanong ang Amerikano ng “Do you like me to give the name of your barangay?”. At sumagot ang matanda ng “Yes sir”. Tinanong ng Amerikano ang ibig sabhin mg “Araw po naming ngayon” at pinaliwanag ng matanda na ang ibig sabihin nito ay “NAW” (NOW).
Kaya ang ginawa nila ang pangalan ni “DIAN” ay dinugtong nila ang NAW. Pinalitan ang W ng O kaya nabuo ang “DIANAO”